Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang taonang pagdiriwang natin sa buwan ng wika. Atin itong inaalala sapagkat malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating lipunan. Nagagamit natin ito sa ating pang araw araw na gawain. Maging nasaan ka man.
Ngayong Agosto 2018 sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkilala ng tema para sa taon na ito. Filipino, Wika ng Saliksik, ibig sabihin ang wikang filipino ay hindi lang nagagamit sa pakikipag usap. Pinapatunayan nito na maaari nating gamitin ang wika sa pananaliksik ng mga bagay bagay. Ang pagsasaliksik ay isang paraan upang mas lalo pa nating mapalawak ang ating kaalaman ukol sa isang bagay. Marahil madami pa ang hindi naniniwala na ang wikang filipino ay sadyang hindi pa makapangyarihan sapagkat ito ang nagbibigay liwanag sa mga nangyayari sa ating lipunan. Ang wikang filipino ang solusyon sa pagsugpo ng mga iba't ibang isyu sa ating bansa.
Ang pagpapalawak sa ating kaalaman gamit ng wikang filipino ay dapat lang na bigyang pansin ng lahat ng pilipino. Bata man o matanda, mahirap man o mayaman sama sama nating palawakin ang ating mga isipan.
Madaling maunawaan ang nasabi ukol sa ating pambansang wika. MAgaling ang iyong pagpapaunawa.
ReplyDelete